Habang higit ang nababakunahan, higit ang palantandaan ng pag-asa. Kung hindi ka ganap na nabakunahan, mahalagang magpa-test kung nalantad ka sa COVID-19 o may sakit. Libre ang testing, anuman ang imigrasyon o insurance. Tawagan ang 211 o bisitahin ang covidhelpla.org
Narito na ang Tagsibol – ngunit ang panganib ng pagkalat ng COVID-19 sa ating mga komunidad ay nananatiling tunay. Sa panahon ng kapistahan, bakasyon at muling pagbubukas ng maraming negosyo, mahalaga pa rin na magpasuri habang inilalabas na ang mga bakuna. Tawagan ang 211 o bisitahin ang covidhelpla.org para makahanap ng libreng testing site na malapit sa iyo!
Bumababa na ang bilang ng COVID-19, patuloy nating protektahan ang ating mga nakatatanda at ating mga komunidad. Sama-sama nating gawin ang ating bahagi, tandaan: ➡️Magpasuri kung ikaw ay may anumang sintomas ➡️Magsuot ng masakara ➡️Panatilihin ang panlipunang distansya Matuto pa. May libreng pagsuri. Tawagan ang 211 o bisitahin ang covid19.lacounty.gov
Habang mas dumarami ang mga bakuna sa #COVID19, ating magagawa lahat ang bahagi natin para protektahan ang mga mahal sa buhay. Magpasuri kung mayroon kang mga sintomas o sa tingin mo ay nagkakontak ka sa taong may COVID-19. Matuto nang higit pa sa covid19.lacounty.gov
Ang masuri para sa #COVID19 ay poprotekta sa mga mahal mo sa buhay. Sa pagpapasuri at pagbubukod kapag kailangan, mapipigilan natin ang mas malaking pagsiklab. Maghanap ng mga libreng testing site sa iyong komunidad. Tawagan ang 211 o bisitahin ang covid19.lacounty.gov/testing
Tingin mo ay nagkakontak ka sa taong may #COVID19? Ngayon ay malalakad mo na at masusuri nang libre sa karamihan ng LA County testing site, hindi kailangan ng appointment. Hanapin ang pinakamalapit na site sa iyo. Tumawag sa 211 o bisitahin ang covid19.lacounty.gov/testing.
Hindi naging madali para sa sinuman sa atin ang #COVID19. Magkakasama tayong lahat dito. Nag-aalok ngayon ang LA County ng libreng pagsusuri sa #COVID19. Maaari kang pumunta nang naglalakad o gumamit ng sasakyan. Bisitahin ang covid19.lacounty.gov o tumawag sa 211 upang gumawa ng appointment!
Hindi dahilan upang ihinto ang pangangalaga sa iyong sarili at sa iba sa pagiging negatibo sa pagsusuri para sa COVID-19: ✅Ipagpatuloy ang pagsasagawa ng social distancing ✅Magsuot ng mask ✅ Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay At tandaan, HINDI nangangahulugan ang negatibong resulta ng pagsusuri na ligtas nang makipagtipon sa mga tao sa labas ng iyong sambahayan!
Kung mayroon kang mga sintomas o nalantad sa COVID-19, madali lang magpasuri nang libre: ☎️ Tumawag muna sa iyong doktor upang magpasya kung kailangan mo ng pagsusuri. 💬 Kung wala kang doktor, tumawag sa 211 o mag-text sa 52-11 para humanap ng lugar ng pagsusuri na malapit sa iyo. 🖥 Mag-click sa link sa ibaba para sa karagdagang impormasyon sa libreng pagsusuri!
Labis na nakababahala ang pagiging positibo sa pagsusuri para sa #COVID19. May magagamit na mga mapagkukunan ang LA County upang tulungan ka at ang iyong mga mahal sa buhay na manatiling ligtas. ➡️ Ihiwalay kaagad ang iyong sarili ➡️ Kung wala kang lugar upang ihiwalay ang iyong sarili at mag-quarantine na malayo mula sa iyong kapamilya, tumawag sa 1-833-540-0473 para sa pansamantalang pabahay ➡️ Tumawag sa 911 kung mayroon kang mga palatandaan ng emergency. Kabilang dito ang nahihirapan sa paghinga, paninikip o pananakit ng dibdib, nangangasul na mga labi, pagkalito, mahirap gisingin. Kailangan ng higit pang tulong? Bisitahin ang covid19.lacounty.gov o tumawag sa 211
Wala kang insurance sa kalusugan? Okay lang iyon – maaari ka pa ring makakuha ng pangangalaga. Kung ikaw o ang iyong pamilya ay nangangailangan ng pangunahing pangangalaga ng doktor ngayong panahon ng taglamig, maaari kaming makatulong. Tumawag sa LA County Health Services sa (844)-804-0055 para humanap ng doktor upang panatilihing malusog ang iyong pamilya.
Naging napakahirap ang pandemyang ito sa ating mga komunidad. Ginawa ng LA County na magagamit ang mga karagdagang mapagkukunan habang nilalabanan natin nang sama-sama ang COVID-19. Maaari tayong makatulong sa pamamagitan ng: 🥖 Libreng pagkain 🏥 Libreng pagsusuri sa COVID-19 💉 Mga libreng bakuna laban sa trangkaso Alamin pa ang tungkol sa mga magagamit na serbisyo: COVIDhelpla.org
Pinanatili ng mahahalagang manggagawa na gumagana ang ating mga komunidad. Ipagpatuloy nating gawin ang ating tungkulin upang mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad. Nag-aalok ang LA County ng mga libreng mapagkukunan upang suportahan ang mga pamilya at mahahalagang manggagawa. Alamin ang higit pa tungkol sa aming mga mapagkukunan dito: covidhelpla.org